My hubby's a nurse po. Pero, sya dependent ko. Haha. Ako po yung mag aaral ng master of professional accounting. 2nd course na po kasi nya yung nursing. So this time, ako naman po muna mag aaral. Support muna siya. Yung major consideration po namin is because kapag masters po may unlimited work right yung dependent.
Sa oshc po depende po yun sa provider and kung ilan kayo. 2 po kami for 2 years, almost 4k po. 13k po tuition fee ko for the first semester so almost 17k aud lahat binayad namin. Check nyo po website ng oshc providers. Allianz po yung samin. Makikita nyo po magkano for multi family. Dual lang kasi samin ni hubby so di tayo pareho.
Pwede pa consult po kayo sa IDP. May office sila sa makati and cebu.
About bridging for nurses, yung friend ng hubby ko parang 1 year ata sya nag aral. Tapos nakahanap sya ng employer na nag sponsor sa kanya.
Nakapag IELTS na po wife nyo?