Sana talaga nadiscover ko tong pinoyau.info bago ako nag-lodge ng student visa subclass 573 application. Pero okay na rin na nakita ko na ngayon kasi nakaka-encourage ang kwento ng mga nandito.
Paano ko ba sisimulan?
Nag-undergo ako ng medical examination sa NHSI Makati nung April 7. Tapos pinabalik ako April 11 for spot view ng chest xray. Kinabahan na ako.
Anyway, nagpunta naman ako sa NHSI noong April 11. Tapos, nung April 15 ni-refer nila ako sa SLEC para mag-undergo ng sputum test para i-rule out ang tuberculosis. Nung mag-apply lang ako ng student visa ko nalaman na big deal pala sa DIBP ang TB. Alam ko naman na wala ako nun, kaya sana talaga negative ang resulta. Kasi sayang ang scholarship ko.
Sa June ko pa malalaman ang resulta ng culture test ko. Hinihiling ko po sa inyo na ipagdasal na sana negative po ang resulta.
Yung huling step ng pulmonary evaluation ko ay repeat xray sa July 7. Orientation ko ay sa July 18-22. Classes start July 25.
Kung hindi buzzer beater, malamang ay delayed ang labas ng visa ko. Paano po ba ang dapat gawin sa sitwasyong ito? Salamat.