Hello po!
Plano ko po sana mag apply ng student visa sa Melbourne. This month kasi, nameet ko na finally ang lola at dalawang tito ko from Australia and sabi nila pwede daw ako kumuha ng student visa para makarating dun.
Konting background lang po about sakin.
Graduate ako ng Bachelor of Science in Info. Technology last 2014 then work experience is 6 years for Graphic design then 2 years sa Photography. Currently, nandito ako sa Dubai for almost 2 years na. Nanay at mga kapatid ng mommy ko ang nasa Melbourne.
Simula bumalik ako dito sa Dubai galing sa pakikipagmeet sa relatives, nagbasa-basa na ko ng info about Student visa pero parang lost pa ko if saan ako magsisimula. Yung partner/fiance ko is plano ko din isama sa Australia and kasama ko siya dito sa Dubai.
1.) Sa requirements na financial, pwede bang yung sa mga tito ko ang ipresent ko or kelangan sakin talaga na funds ang makita sa immigration?
2.) Mas tataas ba ang financial requirement kapag may dependent ako which is yung partner ko
3.) Student visa lang ba talaga ang easiest option para makarating ng Australia given my situation.
4.) Mas okay ba na dito kami sa Dubai manggaling? May advantage ba yun when it comes to visa processing?
Sana po matulungan niyo ko. Wala din kasing idea mga tito ko regarding sa mga ganitong proseso. Thanks! 🙂