When it comes to listening and reading kasi, okay lang mag self review dun kasi ang daming resources sa internet. Sa speaking naman, basic questions lang naman kasi tinatanong dun, i-practice mo lang sa sarili mo yun. Based sa experience ko ha, nag review center kasi ako. Dun sa review center, meron kasing format na binibigay sa writing. Lalo na kasi academic writing ka, medyo mahirap ang task 1 kasi kailangan mo i-interpret ang graphs, tables etc. kaya may sinusundan na format. So malaking tulong yun sakin. Although, nag tingin tingin din ako ng examples sa internet, marami ka rin makikita, pero iba ang format nila. Kung ang sinundan mong format eh galing sa net, di ko lang alam kung pano ang magiging grade mo sa writing. pero marami kang makikitang examples sa net talaga. 🙂