Filaussiephy Hi @nickoryanfang! Ang ibig sabihin ata ni @aranayad, kung student visa ang inapplyan mo, hindi mo pwedeng maisama ung tita mo as dependent under your visa. Ang usual kasing dependents are immediate family members like anak and asawa. Kahit parents and siblings, medyo mahirap ipasa as dependents. Pwedeng sumama sayo si tita mo kung magaapply siya ng sarili niyang tourist visa pero magkaiba ng conditions ung visa niyo. If you want to know more about tourist visas, you can check this out: https://filaussiephy.com/tips-for-lodging-a-tourist-visa-for-australia/
blue3319 Hello everyone. Sa mga nagpa medical na po, just want to ask- how long yung pagpapamedical itself? Would it require a whole or half day? And usually, for student visa, ano po yung mga tests? Thank you so much.
MLBS @blue3319 half day saken sa st lukes. Eyesight, blood pressure, urinalysis, xray saka physical exam sa doctor. Got in by 6:30am, left by 12pm. Mabilis lang tests matagal yung wait sa results.
kranchee29 Hi! May Curtin University po dito? Bachelor of Nursing for 1 year. Pano po kayo nagbayad sa school? Metrobank yung account ko.
MLBS Guys just got my coe. Balak ko na ilodge bukas sana. Tanong lang, sa immiaccount ba, pwede ka lang mag attach pag bayad na o pag natapos mo na yung pag fill out sa questions?
ejsb12 Hi po everyone. Ask ko lang po kung gaano katagal yung pag aantay po ng offer letter galing sa school? Thank you po. Waiting po kasi ako. Salamat po
ejsb12 @aranayad thank you so much po. Pang fifth day ko na po kasi nag aantay. Medyo kinakabahan po ako. Sana hindi mareject ng school hehehe
aranayad @ejsb12 Ano school mo? Depende rin kasi sa school na papasukan kung gaano katagal waiting time.
ejsb12 @aranayad WAIFS sa Perth po. Yun na nga daw po eh. Ang pinagpapray ko lang po eh sana hindi po ako ireject ni school. Hehe.
brynn Hi everyone, hiningan din ba kayo nang extended leave letter para kunwari sa pagbalik niyo dito sa pinas may trabaho parin kayo?
EllisBell Hello uli sa lahat. Patulong naman please pa’no ko iapply ng dependent visa yung spouse ko under my student visa. Kapag ba yung student visa ko was processed by an agency, dapat yung sa kanya should be processed by the same agency? Or pwedeng sariling sikap na lang namin? When my SV application was lodged, walang proof of financial capacity na hiningi. Same ba yun pagdating sa kanya? Or discretion ng IO? Or mandatory yung proof pagdating sa dependents? If pwedeng kami lang mag-apply on our own, do we just log-in to his Immiaccount? Anong option po doon? Thanks po in advance sa mga sasagot!
cdmercado111 Hi guys, may nagschool ba dito sa CQU Cairns? Gano katagal lumabas ung full offfer? Thanks
nickoryanfang @aranayad @Filaussiephy ask ko lang po .kung hnd sya pde isama sa student visa. Sa PR application pede na ? Tama ba,? Pg ng SV ba sure na ang PR??
ayarachiel Hi. Magtatanong lang po ako. Vineverify pa po ba ng immigration yung bank certificate/show money kapag onshore applicant? Nasa Oz na po ako holding a TV and currently applying for a Student Visa. Nagpaassist lang po kase ako ng bank certificate/showmoney sa Travel Assistance Loan e mageexpire na po yung contract namin sa December 9. Di po ako sure kung irerenew ko pa ulet. 55k na naman kase ang babayaran ko if irerenew ko na naman. Any advice po. Thank You.