@anamariefranco nako po ma'am and sa ibang mga maam sir na makakabasa please po by all means refrain from Lawson college. sabi nga nila if something is too good to be true it probably is. no show money, ielts, etc? di po lahat pero karamihan ng agency e habol lang na mapadala ka sa ibang bansa, kunin bayad mo and commission from school.
una po for sure either business diploma or aged care ang inooffer nila na course sayo tama ba? please be informed po na kahit matapos mo yan wala po yan pathway para maging PR or permanent resident ka sa Australia. gusto mo po ba na habang buhay na lang mag tuition dun? yun English exam ma'am para lang sa school nila yun pero if mag aapply ka na for residency or for example mag bridging program for nurses e need mo pa rin mag English exam. no show money? kunwari lang rin po yan pero ang totoo mag pasa ka pa rin ng financial documents from you, family or relatives sakanila showing na kaya mo isustain pag aaral mo sakanila, something na gagamitin nila against you pag nasa school ka na nila and marealize mo na di worth it ang babayad mo sakanila. And btw once naka enroll po sakanila e di ka nila papayagan lumipat and di irerelease kahit mag bago pa isip mo.
Alam ko to since may mga kakilala ako na nag aaral sa Lawson and almost all of them e masasabi na lang na if alam nila na ganon e ibang process sana tinake nila. Sana po naiiwas ko kayo sa mga bagay na magsisisi kayo something na di ko nagawa para sa friends ko. Wag po tayo makuntento sa basta makapunta lang ng Australia bahala na. Madami naman po willing sumagot and bigay ng advice Lalo na at big step sa buhay niyo yun
Cheers!