Hello guys, need advice. I was on Post grad visa 485 and na-expire na nung Feb 2020. So nag contact kami ng agent na taga AEAS (Australian Education Advisory Services) to help us with student visa dahil nga po wala pa kami invitation for PR. Nag-send ng invoice si Ms Vida Fernandez saken and nagbayad ako kasama na dun yun Student Health Cover namin dalawa ng partner ko, initial pay sa tuition fee and processing fee sa immi.
Nung April 2020, nag email samin yun school na hindi daw kami bayad sa initial pay tuition and mag co-commence na so need na mag pay. Kinontak nami si Ms Vida, and ayun na sort-out niya naman after 3 times namin mag email sakanya. Tapos yun health insurance card naman, 1 lang dumating. Wala sa partner ko. So pina-asikaso na namin sakanya nung April 29 pa. Sabi niya don't worry daw kasi dependent lang naman partner ko and i-sort-out niya with her accountant.
Na approve na student visa namin nun May 7. Tinawagan ko yun BUPA para sendan kami ng health insurance card ng partner ko, pero wala daw. 3 times namin tinawagan pero ang advice samin contact-in daw yun agent. Kahit na Membership Number lang daw hingiin namin. Tapos nagkakaltas sa card namin automatic yun Visitors Health Insurance dahil nga hindi pa na apply sakanila yun student health insurance ni partner. Di daw nila pwede i cancel. Ang gastos! Si Ms Vida naman, hindi nag rereply sa email kahit tawagan. Na-meet namin siya nung June 12 sa Blacktown nung namimigay siya ng relief goods sa student and sinabe namin yun concerns, sabi niya lang i-sort out niya daw kasi 2 days lang sila sa office dahil sa COVID. Yun iba naman agent sa AEAS sini-sendan ko din ng email para help kami, puro lang i-forward daw nila kay Ms Vida. Mag July na pero wala pa rin. Puro follow up lang reply. Pinagpapasa pasahan lang ako. Wala man lang email back si Ms Vida kung ano nagawa niya to follow up.
Ano po dapat ko gawin? May mapag re-reportan po ba ako?
Kung may balak po kayo mag pa assist wag sa AEAS dahil kahit nun time na ma expire na Temporary Visa namin, nagbayad kami early sakanila at nagawa yun SOP ng maaga pero inassist kami nung kinabusakan ma expire na talaga. Grabe anxiety ko dahil di namin siya ma-contact. Galing po ako sa AMS Global nun initial student visa ko at yun partner ko sa Fortrust PH pero sila ang bilis mag reply ng agents and very accomodating sila. Thanks sa sasagot.