Hello po  Bago lang po ako dito sa online forum…buti po may ganitong online forum para may makausap o maka-kwentuhan naman na kababayan.
Dumating po kaming mag-asawa, kasama ang anak naming na 3 yo boy, nitong January lang po sa Brisbane.  Medyo ok naman po kami nung mga paunang weeks namin dito kasi po, may naging part time na trabaho po yung asawa ko…ako po hindi kaagad makapag-trabaho noon kasi po hindi ko maintindihan yung child care tapos po noong time din nay un, kahit sabihin na may CentreLink naman ay di parin po namin kaya yung ‘Gap fee’ di naman po ganoon kalaki yung sinusweldo po ng asawa ko noon…as in sapat na sapat lang po talaga.  After a month and a half ay nakakuha ng fulltime role po ang asawa ko. Tuwang-tuwa po kami kasi malaki po yung naging improvement sa budget namin..after 2 months po ay na-enrol na namin ang anak naming sa isang childcare centre na malapit sa nire-rentahan naming apartment…sa wakas may libre na po akong 3 days per week, at least pwede na po ako maghanap at hopefully ma-hire na part time or casual or temp role po (3x-a-week lang po kasi namin kaya yung ‘Gap fee’ sa childcare tapos po 24 hrs per week lang po ang approved ng CentreLink…). Kaso po napasaklap na ng sumunod na mga pangyayari…2nd day palang pos a childcare ng anak namin..pabalik na po ako sa apartment pagkahatid ko po sa anak ko…tumawag po sa akin ang asawa ko na natanggal po sya sa trabaho.  Under probation po kasi sya ng 2 months…pinapunta pa po sya ng Melbourne para sa induction & training…tapos after a month po maganda din yung review sa kanya, pero ang tanging sinabi lang sa kanya nung pinatawag siya ng boss na may kasamang panel from HR ay business decision daw po ang reason kaya hindi na ni-renew ang contract niya. Wala daw problema sa technical skills niya (Systems Analyst po kasi siya…) lalu na daw pos a efforts niya na maka-adjust considering na wala po siyang legal background (law firm po kasi yun…). Humingi nga po ng reconsideration yung asawa ko o kahit na anong arrangement kasi po yung araw na pumasok siya eh nakagawa pa daw po sya ng trabaho tapos by 11am pinatawag siya tapos po yun na, may letter na inabot sa kanya na last day na niya nun! Nabanggit na nga daw po nya na kakapasok lang sa day care nung anak namin & all. Pero sorry lang daw ang sinabi at business decision lang daw talaga dahil wala naman daw naging problema sa kanya…
Ang saklap po talaga kasi after a week po na nawalan ng trabaho ang asawa ko ay nagkasakit ang anak po namin…naka-ilang balik po kami sa GP tapos kahit niresetahan na ng antibiotics eh binalik naming ulit sa GP at nagulat po kami na hindi na na-check ng husto yung anak namin at binigyan nalang kami ng referral letter sa Ospital. Tapos ayun po, na-confine ang anak po naming…1st time po na narasan namin na ma-confine ang anak naming sa Ospital at makita na nahihirapan huminga na halos di na makausap  Tapos hanggang ma-discharge po ang anak ko sa Ospital (after 3 days) ay hindi po ma-confirm sa amin ng doctor kung viral pneumonia o bacterial pneumonia ang naging sakit ng anak namin pero definitely daw na Influenza (To self: ano yun??? Bakit ganun??) Tapos nagkasakit na din po ako pero buti after a week po pero naka-recover naman ako kaagad.
Sorry po parang nobela na ito…bale ngayon po, halos 1 month na po kaming todo apply pero wala parin pong positive results.  Kung hindi po kami over qualified ay unqualified naman…kapag humingi ka po ng clarification kung paanong unqualified para makatulong din po sa amin di ba sa iba naming applications ang sasabihin naman ng recruiters ay walang sapat na experience dito  May isa nga pong recruiter sinabihan yung asawa ko na wala daw po yung term na hinahanap nila sa resume nya samantalang sa job description po ay saktong-sakto sa mga previous roles niya.  Bottomline, ang implied message nung recruiter ay magsinungaling sa resume kung gustong ma-shortlist.
Ako naman po ay tanggap ko na ang experience and work history ko sa Pinas ay hindi relevant dito kaya ang mga in-applyan ko po ay mga positions na malapit sa pagiging admin assistant, receptionist, clerk, data entry, secretary, call centre staff, office support o staff…yung mga ganun po na ok naman po din sa akin basta magkatrabaho lang…nag-inquire narin po ako sa pagiging cleaner pero panay may experience na po ang hinahanap o kaya po maalam ka na dapat sa cleaning chemicals o kaya may sarili kang equipment at dapat may sarili kang sasakyan.  Lumapit na nga po ulit kami sa CentreLink tapos ni-refer lang po ulit kami sa Job Services nila…hanggang ngayon wala naman po sila maibigay na trabaho…mag-update nalang daw kami kapag may nag-positive na sa mga in-applyan namin. Yung anak po namin ay last  week na nya itong week na ito sa child care, kasi po bukod sa hindi na kakayanin ng konting naipon po namin dito ay nag-increase ng fee yung daycare centre. Ine-expect narin po namin iyon dahil sa Carbon Tax. Yung lease agreement po namin dito sa apartment ay malamang na magtataas din, kasi po yung mga vacancy dito na pareho ng unit namin at tumaas narin ang rental fee.  Sa Aug.13 na po ang expiry ng lease namin dito… para na po kaming bibitayin sa sobrang stress at pag-alala 
Ang game plan na nga po namin ay uuwi nalang po muna kaming mag-ina sa Pinas para po ma-stretch ang natitira naming budget para sa isang tao nalang for at least 1-2 months pa.
Ang dasal ko lang po ay sana…sana may magandang milagrong dumating na sa amin itong week na ito.  Sana po may magandang kalooban na makabasa nito na makapag-payo sa amin ng tunay at walang ibang intension kung di matulungan at mapabuti kami o kahit yung asawa ko po na maiiwan dito sa Brisbane.
Nagbabaka-sakali na rin po na baka may alam po kayong job opening sa isang IT company o kung saan man po na nangangailangan ng Systems Analyst…makikisuyo nalang po ako na mabalitaan nyo po kami…kahit saang State po ay ok po.
Pasensya na po ulit at sobrang haba na nito. Maraming salamat po. God bless us all!