Maraming salamat po sa mga bumati! Pasensya na po ngayon lang po ulit ako naka-bisita dito...at naunahan ako ni bossing sohc! π)
Sa awa po ng Diyos ay wala kaming sakit lalu na yung bulilit namin π Sa wakas din po ay may trabaho na po ulit ang asawa ko at lilipat po kami sa Adelaide. Ako po ay muntik ng mapunta sa Toowoomba (Miss na po namin kayo dyan! Mga masasayahin at suppotive na kababayan po natin sa Toowoomba!) pero after na makalusot sa phone interview at makapasa sa online assessment ay hindi po ako pinalad sa shortlist nung Hiring Manager para sa face-to-face interview. Pero masaya parin po kasi nabigyan po kami ulit ng 2nd chance dahil nga po sa wakas..sa dami ng in-applyan na posibleng trabaho ay nagbunga din po. Ang dami po naming natutunan sa pinagdaanan namin. At kahit paano po ay nagkaroon po kami ng mga bagong kakilala na tinuturing po naming kaibigan ngayon.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Salamat sa Diyos! Salamat Mama Mary! π
God bless us all!