Eto po ang dillema. Mga isang taon na po kaming kinasal sa Pilipinas pero hindi ko ginamit yung married surname ko dito sa Australia nung PR pa lang ako. Nung nag-apply ako ng citizenship, ginamit ko pa rin maiden name ko para consistent sa nakapangalan sa mga IDs ko. In short, ang nakalagay sa citizenship certificate ko ngayon is my Maiden name.
Ngayon gusto ko ng mag apply ng Aussie passport using my husband's surname. E kaso sa mga nabasa ko, naka-specify dun na dapat yung name ko sa passport dapat katulad sa Citizenship certificate ko.
Pwede ko bang gamitin yung surname ng husband ko kahit hindi ko baguhin legally yung name ko?