Hello po! Bago lang ako dito pero nagtry ako mag backread ng onti.
Share ko lang po... sa ngayon nag papa-assess ako for "Other Spatial Scientist", nag lodge ako sa VETASSESS ng full skills assessment nung June 21. Sana september makukuha ko yung positive result!
Kapal ng mukha ko na mag-apply doon pero yung previous work ko ay "Research Associate", then current work ko is "Scientist". Graduate din ako ng BS Geography degree. Sana maging pabor yung assessment at macredit yung 3 years work experience! Sa tantsa ko kasi saktong 60 points, na requirement ng 189 visa sana. Kung hindi ang second best option ata ay yung 190 SS? Pero sa sydney sana balak ko point of entry kasi may friends and kamag anak na pwedeng makitira kung sakali. Nakapagpagawa naman ako ng detailed na COE with job description, roles, organizational chart supported ng ITR.
Tanong ko lang po... may kilala ba kayong ibang nag pa assess or nakapasok sa OZ as "Other Spatial Scientist"? hingi lang po sana akong ng tips or advise. Nakakakaba pala yung antay. Tiwala lang đŸ™‚
May 28, 2016 - IELTS Academic test
June 10, 2016 - IELTS Academic result - L 8.5, R 7.5, W 7.0, S 8.0
June 21, 2016 - Lodged VETASSESS application
Sana maka abot sa points requirement para sa 189 visa! Ito tantsa ko crossed fingers
Age - 30 pts
IELTS - 10 pts
Education - 15 pts
Work - 5 pts