Wala pa po akong anak, pero gusto ko lang sana mag-share from the point of view of a teacher naman, kasi kahit dito sa Pilipinas, isa sa problema ng mga parents ng students ko kung paano nila mapapagsalita ng Tagalog yung mga anak nila (karamihan sa estudyante ko kasi ay English speaking na Pinoy).
Parang sponge ang mga bata kasi sobrang dali sa kanilang mag "soak up" ng information, lalo na kung fun ang method na ginamit niyo. Siyempre wala na tayong magagawa dun sa school setting sa Australia dahil talagang mga Englishero ang kausap nila. So ang magiging task ng parents yung sa bahay:
1) Tulad nung kwinento ni @ram071312, effective yung Filipino-only at home na rule.
2) Magpatugtog tayo ng mga Tagalog songs. Kung bata pa, mga Filipino Nursery Rhymes (Tong Tong Tong Pakitong, Pen Pen De Sarapen, Ako Ay May Lobo, Sampung Mga Daliri, atbp).
3) Magpapanood tayo sa kanila ng mga pambatang Tagalog na palabas, tulad ng Hiraya Manawari.
4) Basahan natin sila ng mga Tagalog na libro (books from Adarna, Tahanan, Lampara, etc). Siguraduhin rin natin na hindi magtatapos sa pagbabasa ng kuwento. Dapat magtanong rin tayo sa kanila ng mga tungkol sa kuwento para makatulong sa kanila na ma-comprehend yung naririnig niya (Ano pangalan nung tao sa kuwento? Anong ginawa nila? Saan sila pumunta? Bakit kaya niya yun ginawa? Kung nangyari yun sayo, anong gagawin mo?)
Ayan lang naiisip ko sa ngayon. Sana nakatulong! đŸ˜ƒ