Hello sa lahat,
Gusto kong mag-immigrate sa Australia at balak kong mag-pasa ng documents for ACS assessment. Ang problema ko, eto:
Magsa-start ako ng bagong LOCAL employment ko by April, 2016.
Gusto kong mag-submit na ng documents for ACS accreditation by May/June
Ang pagkaka-intindi ko, kailangan i-include lahat ng employers sa ACS assessment kaya lang, hindi ko alam paano magandang diskarte ko sa pag-hingi ng detailed job description sa bago kong employer.
Kakapasok ko pa lang tapos parang:
Me: "Pahingi ng detailed job description ko dito"
Employer: "Para san?"
Me: "May plano ako mag-immigrate sa Australia"
Baka mawalan ng amor sa akin 'yung employer ko pag nagkataon or worse, hindi ako bigyan ng COE at all or walang tumulong sa pag-attest dun sa detailed job description ko. (Can't blame them, it's a dick-move after all).
10 years na akong nagta-trabaho as programmer sa Pilipinas. Hindi ko alam kung ang OK na diskarte ba e, wag na lang muna isama sa ACS assessment 'yung latest employer ko (tutal, wala pa naman talaga akong accomplishment dun sa company na 'yun) tapos, i-revise ko na lang pag magpa-pass na ako ng EOI or may mas magandang option pa.
Mayroon na ba ditong nakaranas ng similar situation? Paano ginawa ninyo? Pa-advise naman.
Salamat.