Hello sa lahat.
May balak akong mag-migrate sa Australia under ng visa 189 or 190. Ang gameplan ko sana, kumuha na ng IELTS/PTE-A at magpa-assess sa ACS from April - June 2016, tapos magpa-pass ako ng EOI AFTER ng July 2016 kasi gahol ako sa oras sa pag-kuha ng iba pang documents.
Ang pagkaka-intindi ko, nagrerevise ng immigration rules ang Australia tuwing matatapos 'yung fiscal year nila (June 2015 - June 2016 yata 'yon, sa pagkaka-intindi ko).
Ang question ko, ito: May naka-ranas na ba dati na kumuha sila ng IELTS/ACS assessment, tapos yung criteria for the previous year, pasado sila (let's say sa IELTS, band 7 ang nakuha nila). Tapos nung mag-aapply na sila sa NEXT fiscal year, tinaasan bigla at ginawang band 8 yung requirement or para makakuha ng suitable points doon sa visang ina-applyan nila?
Ang pinag-iisipan ko kasi e kung mamadaliin ko ba 'yung ACS/IELTS kahit wala pa naman ako balak mag-submit until after July 2016 or hintayin ko muna kung me mabago sa rules ng immigration bago ko siya asikasuhin?
Salamat.