May nakapag-take na ba ng NAATI CCL exam sa MIHCA Manila (Magsaysay Center)?
Hi po!
Plano kong mag-take ng NAATI CCL test sa MIHCA Manila (Magsaysay Center for Hospitality and Culinary Arts). Alam kong official testing venue na ito ng NAATI ngayon, pero wala pa akong nakikitang mga review mula sa mga nakapag-exam na doon.
Kung may nakapag-take na po dito recently, paki-share naman po ang experience ninyo 🙂
Gusto ko pong malaman kung:
• maayos ba ang testing environment (noise, internet, equipment, staff)
• online pa rin ba ang test pero supervised sa room
• may problema ba sa booking o ID verification
• at mga tips para sa mga mag-te-take pa lang.
Maraming salamat po sa sasagot! 🙏