Hello po. Good day po sa inyong lahat. Hopefully ok naman po kayo at Happy New year po sa ating lahat. Gusto ko pong malaman insights po ninyo at advices sa situation ko. Currently po kasi nagaccept na po ako ng offer from a company sa sydney direct hire last year. Mechanical Engineer with 7 yrs xp po ako dito PH then ang position is Test Engineer.
ito po currently yung timeline ko:
PTE Exam - October 17 2023
March 27 2025 - Interview
June 05 2025 - Offer letter from the company, signed and sent
Yung Background po pala ng Employer ko is Certification Firm po sila then 1st time po nila maghire ng Pinoy Offshore. May nahire din po silang migration lawyer. Nagoffer po ako na maghire ng agency po dito to process ibang docs kaya tinanggihan nila dahil gagastos lang daw po ako at yung migration lawyer na raw po yung bahala since nakapagbayad na raw din po sila.
Pero ayun, after 6months po wala pa din update sa kanila, pero sa email (once a month) at calls (Weekly every friday) ay responsive naman din po sila. Isa sa mga nasabi nila is challenging raw pala pag 1st time maghire offshore dahil magpapa accredit pa raw po sila sa SBS then iaadvertise po nila yung position para makapagproceed na sa nomination.
Then nitong december po, nagask po sila kung pwede pong yung lawyer ay direct makipag comunicate sa akin for my accreditation po sa engineers australia, ang pagkakaalam ko po kapag under 482 kahit hindi na magpaassess sa EA pero nagtanong po ako sa ibang forum na hayaan na yung lawyer ang magasikaso.
Tanong ko lang po kung ganito po ba katagal yung waiting time from SBS to nomination since 1st time ni company maghire from outside AU? Anu din po yung mga insights nyo at mga advise po ninyo sa mga ganitong position?Salamat po sa inyo.