Hi.. share ko lang ang mga ginawa namin pagdating namin..
5 AM kami dumating sa Perth WA.
mga around 10 ay dumaan kmi sa mall para bumili muna ng prepaid sim card.. passport lang ang pinakita ko para makabili..
then nagpunta kmi sa bank(commonwealth bank) para magopen ng bank account.. pinakita ko lang passport namin, ung grant letter at ung phone number din.. wala na sila ibang hinanap.. inintay lang namin na ipadala ung card sa address na nilagay namin.. tas onilne ang pagactivate ng cards.
tapos nagpunta kami sa centrelink at medicare.. don ay may mga agent na magaassisst. passport,grant letter, phone number, bank account ang kailangan.. ausin nila un sa records nila, bbigyan kayu ng medicare number tapos ipapadala na lang ung card sa address ulit.. para centrelink naman ay bbigyan kanila ng link para maillink ung centrelink mo sa mygov na username mo na ggawin mo online..
tas ang tfn naman ay online din iaapply tas iintayin lang sa address na ilalagay mo..
saka pala mo pa lang maiistart ang ftb(family tax benefit) kapag may tfn ka na..
ngaun ay apply2 pa lang ako through seek.com.au, linkedin at sa mga kakilala na nasa same field..
hopefully may tumawag na..
hope makatulong sa mga ppunta na sa Au 🙂