@Noodles12 naku sinabi mo pa... just want to share my experience with passport renewal..
yung employer ko now nirequire ako na magrenew ng passport kasi kailangan for visa application na at least 2 years valid pa yung passport... that time walang slot online kahit after 3 months wala pa rin... ginawa ko pumunta ako sa Robisons Galleria sa may tapat ng POEA. Meron service ang DFA doon na exclusive for OFW na magrerenew ng passport, eto yung mga pabalik sa abroad at may mga job offer na kailangan kaagad ng passport.. ang naging problem ko may requirement sila na maximum one year stay lang dapat sa pinas kapag lagpas na ng one year hindi na nila entertain, so sabi saken online nalang po kayo... sabi ko, wala po slot online kahit after 3 months.. sabi punta ka sa DFA Main sa pasay...
Nung sa pasay ako di rin ako inentertain kasi yung dala kong job offer ay print out lang ng e-mail from my employer... at sabi saken kailangan may agency raw at kailangan verified ng POEA yung contract.. halos mawalan ako ng pagasa kasi almost a year na ako wala work then may job offer abroad kaso lang kailangan ng bagong passport... ang ginawa ko bumalik ulet ako sa counter kinausap the same person ayaw pa rin.. kahit anong paliwanag ko... pauwi na sana ako kaso lang naisip ko balikan ulet yung kausap the same counter... bumalik ako at nakukulitan na talaga saken.... sabi ko kasi sayang tong opportunity nato' hindi ko naman kasalanan na may problema sa system nyo.. sana yung dati nalang na walang appointment mahaba ang pila mas kaya ko pang tiisin yun kahit isang linggo ako magpila dito kasi mas mahirap walang trabaho.. ang sabi saken gusto nyo kausapin nyo po yung Assisstant Secretary.. sabi ko sige kakausapin... tapos sabi saken pero wala din kayo mapapala Sir kasi nanggaling na kayo dito inivaluate ko na yung documents nyo at di talaga pwede... sabi okay lang ang importante makausap ko... binigyan ako ng number at umakyat ako sa taas, walang yung ASEC kasi nasa meeting, yung secretary ni ASEC kumausap saken... tapos sabi wait lang nasa meeting pa kasi, nagantay ako ng almost isang oras maya maya lumabas na... may sticket na yung passport application form ko... Hehehehehehe... after a week meron na ako bagong passport... Sensya na mahaba kwento ko.. pero eto rin yung naging basis ko sa pag feedback... Hehehehe.. 5 times kasi ako nagfeedback..
Ang nangyayari kasi dyan sa online reservation, karamihan ng slot ay kinuha ng mga employment agency.. kung gusto parenew magbabayad around 1,500 - 3,000 para makakuha ng slot lapit ka lang sa agency... Modus diba... matagal nirereklamo yan, pero wala pa rin nangyayari... Di ata alam ni DIGONG yan... HEhehehehe..