To all,
Don't lose hope in applying for a job. The reason why you guys are having a hard time is because the employment rate here is quite low and the Brit, Europeans and Americans are coming all at the same time. You need to understand how Aussies construct their CVs and indeed it is not easy to get a job because employers and agencies prefer to get someone on board who has a "local work experience."
Kaya nga mainam na una pag nag-aapply na kayo para mag migrate and likewise nag hihintay mag start na rin kayong alamin ano ba ang culture dito when it comes to job hunting. Pangalawa mag-apply ng mag-aapply then add more prayers because meron din yan for sure. Do not limit yourself sa kung ano lang ang current job title nyo. Wag mawawalan ng pag asa dahil ganyan talaga pag nagmimigrate unless sobrang galing nyo or sila ang nagpapamigrate sa inyo dahil sa special skills nyo (may mga nakakasuwerte sa ganun).
This sounds so silly pero have a look at yung hinahanapan na agency ng mga OFW dahil you will get an idea saan ang influx ng work.
When you apply for a job in Australia and you are outside less ang chance mo talaga. When an agent sends you an email be happy about it because you fit the requirements but the problem is you are not here in Australia so how can you prove whatever is in your CV. Now, if the agent calls you then you start selling your skills dahil it means willing sila na ihear out ka dahil tinawagan ka pa overseas, malamang walang makuha na iba. Ang chance mo dyan is how good your communication skills because the agent might pull some strings para magawaan ng paraan na mapunta ka sa next step i.e. meeting the resoure manager - client ng agent so hindi ka pa tanggap pag sinabi ng agent na tatawagan kita, it means pumasa ka pa lang sa agent. Now kung sakaling ayos ka pwede kang padalhan ng work visa but you need to tell them para maentice yung agent and client nila na talagang pa Australia ka by mentioning to them na nakalodge na or waiting ka na lang sa PR nyo.
Kakaunti lang ang nabibigyan ng mga ganyang chance and I will be honest sa forum na ito para walang sugar coating or false hopes. Usually people from IT and when I say people from IT these are the experts like gurus ng Oracle, SAP, Cognos etc. Even accountants natin neither mga doctors hindi binibigyan ng chance parehas ng mga IT gurus dahil nag-aaral pa ulit sila dito. Ang patok at walang 2 tanong tanong e mga fork lifter, machinist, midwife, caregiver, truck drivers, miners, blue collar jobs dahil yan ang kulang dito plus yan ang magaganda sahod plus benefits. SOme of you might say WHAT SILA???? Yes, sila na maliliit ang tingin ng Pinoy e malalaki ang tingin sa kanila sa mga bansa tulad ng Austalia in terms of sahod.
Anyway, maraming pwedeng hanapan like www.seek.com.au, www.careerone.com.au, www.mycareer.com.au, www.indeed.com.au, www.jobserve.com.au, www.jobsearch.com.au, www.alljobs.com.au
You can browse din directly sa mga following recruitment agencies www.michaelpage.com.au, www.finite.com.au, www.hays.com.au, www.aurec.com.au, www.robertwalters.com.au, www.peoplebank.com.au, www.citirecruitment.com.au and many others.....
Whatever you see in seek e nirerepublish lang sa ibang jobsites din pero you might as well go direct dun sa website ng mga recruiters dahil minsan sa kanila nagbibigay ng sponsorships kahit nakalodge ka pa ng PR mo. These two are different types of visas and hindi sila masama magkaroon ng sabay dahil mabilis ang work visa kesa PR.
Anyway, google nyo paano ba sumulat ng isang CV na pang Aussie, ano ba talaga hinahanap nila at papaano ba sumagot ng cover letter.
Again, wag mawawalan ng pag asa dahil normal yan sa nagmimigrate. Ang pagmimigrate e hindi continuity ng buhay nyo sa Pinas. Only few can do that. Pero wag mawawalan ng pag asa dahil madali magadapt mga Pinoy sa bansang pupuntahan.
Good luck.
Ta.