Hi po,
Nakikita ko po sa mga signatures nyo na after nyo ma NBI Clearance and Medical Request ay VISA grant na agad. Ganun po ba yun talaga? Pag nakaresib ka na ng notification na ganun, kelan mo po dapat magpa pa stamp ng Visa? Nasa states po kasi ako ngayon.
Yung NBI ko inaasikaso na ng mama ko. Yung Medical bukas na isend ng doctor.
Sorry po kung double post na ito or may information na ganito dati pa. Nag search kasi ako sa forums wala me nakita na ganitong information.