<blockquote rel="psychoboy"><blockquote rel="TinaR">Hi, to answer your question you need to have a reality check first:
gusto mo ba ng tahimik or magimik ka?
ano ang klase ng trabaho mo?
single ka lang ba or mag-asawa lang kayo or may mga anak ka?
saan ang mga relatives mo?
mahilig ka ba sa mga outdoor activities or home buddy ka lang?
.... and many others... but the ultimate question is...enough ba ang pera na dala mo at stability ng kikitain mo? You can easily choose saan mang region as long as alam mo ano ang capability mo.
Melbourne - maraming work for IT and hilig ng mga Asians as in ang daming Asians duon, mixed ng laid back and fast paced lalo na kung city living ka. Work wise not sure ano ang influx as of now. Ang QVB dito ay isang market place (palengke).
Sydney - magastos ang city living marami raming Asians but dominated ng mga caucasians, damang dama ang indirect discrimination dahil pag nasabi mo na taga Western suburb ka or basta hindi ka taga Eastern suburb, Northern Beaches, or lower north shore. Work wise as of this writing was na masyado umasa dahil dominated ng mga Brit, Irish, Europeans and Americans kaya medyo yung good positions nawawala sa mga Asians. Ang QVB dito ay isang posh mall (branded boutiques).
Adelaide - kaunti work, unless gusto mo ng mga defense jobs or anything na blue collar. Tahimik na lugar and mura ang mga rental, food plus laid back.
Brisbane - average ang gastos, work are fine, people here love to party always, mas easy going sila but unfortunately nakakatakot lalo na sa area ng Brisbane dahil sa flooding. Although, flooding is everywhere and sanay naman Pinoy.
Perth - dami pera promise. Work here pays more than any other states. Maganda. Enough said.
Darwin - well madaming indigent but sila naman talaga ang first settler dito sa Australia so walang kaso. Ang weather parang Pinas. The good thing here is pwede kang magbalik balikan sa Pinas dahil ang lapit mo na at kalahati ng plane fare ang kaltas compared sa manggaling ka sa Melbourne or Sydney.
Tasmania - Kaunti Pinoy dito. Think about a real laid back na ang hilig mo e sailing and usually kasama mo e caucasians tapos parati kang naghohoneymoon. Weather e mas malamig kesa sa iba. Friendly mga tao.
Canberra - kung ang hilig mo e sa bahay lang, tahimik na kalsada, kaunting tao and of course government jobs but then kung hindi ka PR with number of years na stay dito or Australian citizen mahihirapan ka makakuha ng work dahil kaunti lang ang private companies dito majority nasa Melbourne and Sydney.
Cost of living: rental cheapest sa Adelaide, work for Asians and hindi management positions mas marami sa Brisbane, kung mining ka naman or tractor etc sa Perth ka na, kung gusto mong masira ang savings mo at matagalan ka bago makanap ng work e magSydney ka as of this writing ha not sure in the following quarters.
To be honest, it all boils down kung magkano ang savings mo at ano ang line of work mo dahil lahat naman sila may gimikan din, parehas ng mall hours, parehas naman in terms of policies and procedures ng banks, centrelinks etc. Pagkakaiba lang talaga e yung number of attractions. Anyway, majority naman dito in due time may sasakyan kasi mahirap ang wala so madali na ang pumunta sa ibat ibang lugar. Eversince ang sinusuggest ko dun muna saan ang work dahil pag pinilit nyo kung saan nyo gusto tapos wala naman kayong work e maghihirap kayo.
Be wise and practical saka na sumunod ang saan kaya ako titira dapat saan kaya ang maraming work sa parehas ko then build your dream from there. Maraming Pilipino ang nahihirapan dahil inuuna nila yung ay gusto ko dito ako titira kasi sabi ni ganito maganda dito, unahin nyo yung saan kaya may trabaho na papabor sa akin. Dahil madali ng lumipat sa gusto mong lugar kung nakaestablish ka na ng work experience mo dito. Hindi counted dito ang international work experience kahit sa Italy, Spain or SIngapore pa yan. Pang Brit, Europeans and Americans lang nagwowork yan dito so please be mindful dahil maraming false hope.
It is nice to live here in Australia but you have to be practical din hindi yung excited dahil nakaalis na ng Pinas. Maraming doctor na nagiging nurse or worst taga extract lang ng dugo, mga managers na pumapatol bilang cleaners or blue collar which is not bad dahil mas malaki pa nga sahod nila, mga magaganda ang work status sa Pinas pagdating dito unemployed. Kung di ka practical magugutom ka. And this is applicable kahit saang bansa ka lilipat. Look for work first then dream.
I hope hindi ko sinira ang pangarap but please samahan nyo ng makatotohanan ang pangarap.
"Maraming nagutom dahil sa pangarap pero walang naghirap sa taong praktical"
Ta.</blockquote>
Sobrang seryoso naman ito Ms TinraR but yeah good insights here! π</blockquote>
Ganun ba hehehe sige baguhin ko sagot ko... kindly google na lang po ano difference. π