<blockquote rel="KurikongSaTumbong"><blockquote rel="TinaR">Hi, to answer your question you need to have a reality check first:
Sydney - magastos ang city living marami raming Asians but dominated ng mga caucasians, damang dama ang indirect discrimination dahil pag nasabi mo na taga Western suburb ka or basta hindi ka taga Eastern suburb, Northern Beaches, or lower north shore. Work wise as of this writing was na masyado umasa dahil dominated ng mga Brit, Irish, Europeans and Americans kaya medyo yung good positions nawawala sa mga Asians. Ang QVB dito ay isang posh mall (branded boutiques).
Ta.</blockquote>
Sorry po but I disagree. Taga Sydney po ako. Asian po ako pero ako po eh boss sa bangko. Ang magagandang position po eh available kahit kanino basta po me tamang qualification at experience. Kahit kelan po eh di ako nakadama ng discrimination dito. Yung Western, Eastern, Northern suburbs, etc. eh masyadong malaki po difference ng presyo ng bahay kaya di mo masasabi na discrimination ito kasi kahit sino naman po eh pwedeng bumili ng bahay sa Mosman or Double Bay (mga mahal na suburb sa Sydney) basta po me pambayad. Nagkataon lang po na me mga tao siguro na sa murang suburb nakatira na masyadong sensitive. Pero overall naman po eh mga walang pakialam mga tao dito sa tirahan, tatak ng kamiseta, tatak ng kotse, etc.
Di naman po masyadong magastos dito kung me trabaho po kayo kasi maganda naman po ang pasweldo dito at kung kumikita po kayo ng $100k per annum or up eh maganda ganda na po ang lifestyle nun.
Pero overall po eh maganda kahit saan sa Australia at depende na lang kung saan tayo palarin. Pero kung pwede ko pong ulitin ang buhay ko eh sa Queensland (Gold Coast specifically) po siguro ako mag sisimula kasi po eh mas gusto ko climate dun at mas relaxed mga tao.</blockquote>
Regarding starting over again, ang advise ng mga relatives ko ay learn to pick your place carefully at iwas ka sa pag bili ng property agad agad kasi once nakabili ka na, stuck ka na sa place na yun.