God exalts those who humble themselves and He humbles those who exalt themselves. π
Back to topic na sabi ni @aldousnow. π Bakit nga ba Australia? Ako, as far as immigration process/requirements are concerned mas madali sa AU compared to Canada and New Zealand. Bata pa lang ako pangarap ko na mag-migrate. π Kaya nung pagraduate ko nung college, inaral ko migration rules ng Canada and NZ with my bf then now husband π. Hindi ko inaral yung sa AU kasi ayaw ko dun dati. Di namin ma-meet requirements ng Canada and NZ due to lack of years in work experience so I stopped dreaming about migration until 2010. I gave AU a chance and read a lot about it only to realize ang dali lang pala mag-apply dun and take note mas mura sya kaya ayun nag-tyaga talaga kami to meet and complete the requirements. Eto mga naaalala kong information dati. Please correct me na lang if I'm wrong or iba na rules nila Canada and NZ ngayon.
1) Sa Canada, ang application fee mas mahal. Ang bayad is yung main applicant plus additional fee per head. Sa AU, one payment lang kahit bente dependents mo kasama na sa application fee.
2) Sa Canada, may proof of funds ka na kelangan ipakita. Depende kung ilang family member ang kasama mo, starting at C$11K isang member. Sa AU walang kelangan for 175. Kahit credit card lang dala mo ok na.
3) Application processing takes almost 3 years sa AU less than a year lang, for 175 ulit. Less if may state sponsor ka (176).
4) Sa NZ naman merong requirement na kapag nasa NZ ka na, within 3 months dapat makahanap ng work na related sa skills mo. That's the time pa lang ka mabibigyan ng PR visa. Otherwise, kelangan mo bumalik sa bansa mo. Sa AU, basta PR ka, kahit anong work mo basta legal di ka nila pababalikin sa bansa mo.
Yan lang naalala ko sa ngayon.
In terms of lifestyle, entertainment, work and other factors acceptable naman ang AU samin, very favorable actually. π