Why australia?
AU vs PH: similar din sa isang poser dito, i forgot who. Hubby and I are both in IT and are earning quite a decent pay, boasting aside. We have house helpers, have property, have car, we are living well. Pero araw araw lagi mong iisipin safety mo at ng anak mo. sakitin kaming magina and we always spend thousands pag naoospital kami. Although may maxicare, still may expenses pa din. Mahal na ang tuition fee sa private schools. Kahit anong laki ng kita mo, lumalabas din as expenses, coz to get a better life you have to pay for it, BIG TIME. Then we decided to move to SG...
AU vs SG: Similar to @psychoboy @RobertSG @Hotshot @Killerbee my family and i tried to apply for PR in SG after 6years of being here but sadly we were denied. One valid reason why we dont want to settle here in SG. kung ayaw nila sa amin e di wag! hahaha. Pero kahit non PR secured naman ang stay namin so far. We are also earning a lot here in SG. With our income, weve enjoyed our life here. We have yaya, can buy things that we want, got a property back in phil, supported our family back in phil, and at the end of the day we still have savings. Pero gaya nga ng sabi nila, maganda s SG kasi makakaipon ka tlga or maganda buhay mo pag single ka or married pero walang anak. Another reason why i want to settle in AU. Pampamilya tlga. Lahat ng reasons all comes down para sa anak ko. Pressure mga student dito. Wala ng time para maging bata. Pressure din sa trabaho. Bawal umuwi on time. Di k lng pagtitinginan, sisirahin ka pa. Pressure ang buhay, lahat pera pera ang labanan para mabuhay. Mahal ang maospital. Mahal magpasalon. Advantage lng, puede magshopping linggo linggo dahil sa sandamakmak na sale. Kahit branded. Tapos bagsak presyo din electronics. At mura pagkain.
Dito talaga papasok yung tanong na ipagpapalit mo ba ung maganda mo ng buhay NGAYON para magsimula ulit sa ibang bansa na di mo alam kung mararanasan mo ulit ung kaginhawaan? Ang sagot, with a promising government policies and benefits, its worth leaving what we have now and risking our future. 50-50 kasi yan. 50% nasa tao kung papaano nya patatakbuhin buhay nya, 50% kung anong opportunity meron sa paligid. But at the end of the day, you make your own destiny. Tayong mga pinoy lalo na katulad kong laki sa hirap, alam natin kung papano dumiskarte sa buhay. Kaya kahit nasaan man tayo, kaya nating mabuhay at magsucceed. Pero shempre, malaking bagay ung maganda ang environment. Yun kasi ang hindi natin kontrolado, ung safety, cost of living, at quality of life.