This is a nice thread. The reason why ako na hook up sa pinoyau and malimit ko binabasa to motivate me sa pag pursue ng Australian life.
Well bakit Australia ulit. For the future of my family and para sama2 na kami. My first choice is Canada but for some unfortunate events eh hindi natuloy kahit i managed to get a job there. Maybe, my destiny is really sa Australia. Maybe not, at malasin na naman but anyway waiting nlang ako ng CO at the moment and sobrang malas ko na tlaga pag hindi pa ako natuloy.
Ilang buwan nlang at mag 5 years na ako dito sa SG. When i first landed here during early 2009 i was so impressed. Sobrang linis and organised. Its like youre in a big golf course. May work na ako pagdating dito and the Company provided me with accomodation for two weeks, relocation allowance equivalent to 2 months of my salary (pero may tali ng 2 years) and reimbursed my airfare. Food is everywhere pagbaba mo ng hdb, konting lakad lang may madaanan kang hawkers. May mga ilan ilan din pinoy restaurants so parang nasa pinas ka din. Internet is very fast pinakamababa na yta sa mga natirahan ko is 16mbps. Most of my friends 100mbps (well mostly kasi gamers but i think affordable pa rin). Sobrang laki ng difference ng sweldo ko dito as compared sa pinas. My gross is more than 5 times n salary ko sa pinas. Yung isang buwan na naitabi ko is hindi ko tlaga literally naipon sa 5 taon kong pagtatrabaho sa pinas. Break even lang kasi ako halos dun and kahit nagtatrabaho ako sa pinakamalaking audit firm sa pinas sa ayala makati, naka long sleeves at naka necktie eh maliit lang sweldo at madalas sa jolijeep lang ako kumakain. Dito ko naranasan sa SG na bumili ng mga branded na gamit from clothes to bags to laptop to gadgets. Ang dami2 kasi dito at hindi nagpapahuli ang sg pagdating sa mga ganyan bagay. Dito din ako natuto mgluto kasi kakaumay din puro hawkers. Kahit na ako lang nagwowork and tumigil ang wife ko plus nagsusuport ako sa grandparents ko kayang kaya parin ng sweldo ko. Kasi nga ako lang nman mag isa sa sg so maliit lang kain ng accomodation at ibang cost. Kung sasama ko wife ko at mag rent kami ng unit at ako lang magwork eh mukhang wala din kasi matitira may binabayran pa kasi kami property sa pinas. Kung kasiyahan lang, ok na ok dito sa sg. Mageenjoy ka tlaga dito kung single ka at gimikero. Huhulihin ka dito sa simpleng pagtatapon ng upos n yosi pero may red light district sila at nagkalat ang bars/disco/massage parlors etc. i remember an ex-housemate na madalas manalo sa casino and madalas magyaya kung saan2. Madalas isang gabi nya lang mapapanalunan yung sweldo nya sa isang buwan pero kalimitan din nauuwi sya sa cup noodles.
Fast forward, after 3 years, things changed. Parang nagbabago na ang pananaw ko sa stay ko sg. Kasabay pa nun nagkababy kami. Yung dating efficient transpo, eh madalas siksikan ng tao nakikita ko. Sa liit ng singapore parang nakita ko na lahat, tuwing may company party or kakilala na dadalaw same same lang nman ang pasyalan. Parang di na mabilang ung beses na nakarating ako ng sentosa/zoo/uss/etc. Sa office namin parang sobrang aga ko na pagnakauwi ako ng 7pm. Matandang dalaga kasi boss ko at araw2 eh 10pm na umuuwi at pumapasok pa n weekends. Kahit di sabihin ramdam ko na iniiexpect nya na magstay din ako sa office. Applied sg pr pero denied. Ok nman work ko at credentials pero bakit ganun. Panget lang tlaga cguro timing ko or in general ayaw na nila sa pinoy at sobrang dami na. Kahit nsaan ka halos dito may pinoy ka makikita. Pero i think kahit maging pr ako parang di ito ang place kung saan ako magtatagal.
Thats where migration come into the picture. I want 360 change in my environment and everything.Parang wala ng bago araw2. Pera nlang tlaga reason ko kaya ako nandito. Uwi nlang ba ako ng pinas but my ibang options nman. Nanjan nman ang Australia. Sana tama ang decisions ko and sana maging masaya ako at ang family ko.