Hirap mag-agree sa mga ni-raise niyang points about Pinas...
<blockquote rel="lester_lugtu">Why australia?
High income, just that.
Other than that, sa pilipinas ko lang makikita.
- Lumalaki at tumatanda ang pilipino na hindi drug addict.</blockquote>
Actually, marami ngang trabaho dapat ang PDEA diba at hindi nga nila kayang lutasin ang problema sa droga. Di mo mabibilang sa kamay mo yung mga batang kalye na nagrurugby na.
<blockquote rel="lester_lugtu">2. Mababango ang mga pinoy, all day everyday. Babae man o lalaki.</blockquote>
Pag nagcocommute ka, hindi mo ba naaamoy yung ibang mga kasabay mo?
<blockquote rel="lester_lugtu">3. Mahabaaaa ang pasensya ng mga pinoy kaya masarap kausap. Walang halong kaplastikan.</blockquote>
Au contraire, ang mga tao sa ibang bansa ay mas straight to the point. No nonsense. Sa atin nga, madalas yung backstabbing sa workplace, pakitang-tao, being nice for the sake of pakikisama, etc. Related na yan sa kaplastikan kung iisipin mo.
<blockquote rel="lester_lugtu">4. Hindi natin alam ang word na racism.</blockquote>
Completely beg to disagree. Lahat ng puting matanda tinatawag na "hey Joe!", yung terms na intsik beho, chekwa, pana, egoy/negro, promdi, etc. marami tayo niyan! Hindi lang tayo racist, minsan discriminating pa - sa may kapansanan, sa di magaling mag-Tagalog/Ingles, sa maagang nag-anak ("disgrasyada"), may tattoo, third sex (true story - nanay ko assumes all male homosexuals have HIV, hirap niyang i-educate naman!). Mahilig tayo mamintas, pero balat-sibuyas kapag ang puna ay nakatuon sa atin.
<blockquote rel="lester_lugtu">5. Traffic man palagi at nakakainis, paguwi mo ng bahay, wala pa din makakatalo sa pamilyang dadatnan mo. </blockquote>
Tulad ng nabanggit nina @TasBurrfoot at @vhoythoy, this won't be a problem if you migrate together with your family, or if start your own family in another country. Also, it's even better since walang traffic, you get to come home earlier and spend more time with your family. Ngayong nakabakasyon ako sa Pinas, napansin ko ito eh: aalis nang 6am just to beat the morning rush, tapos 9pm, minsan 10 o 11 na nakakauwi ang kapatid at parents ko. Asan ang quality time??
<blockquote rel="lester_lugtu">6. Hindi man ganun kataas ang quality ng education, kaya ko naman makipagkwentuhan, makipagsigawan, at makipagharutan sa loob ng classroom ng buo ang expression ko at hindi nagdadalawang isip magsalita dahil tagalog.</blockquote>
I'd pick better quality education any day over being able to gossip, makipagharutan at makipagsigawan sa classroom. Otherwise, what is the point of going to school?
<blockquote rel="lester_lugtu">7. Panget man ang health system satin at expensive ang magpagamot, kasama mo naman ang family mo sa mga times na maysakit ka. Even tita, tito, insan kayang bumisita sau kapag hospitalise ka.</blockquote>
Pag nagkaedad na tayo, hindi biro ang gastos sa healthcare. I have a feeling one day you will rethink this π
<blockquote rel="lester_lugtu">8. Hindi uso satin ang aged care.</blockquote>
The fact that it is not uso, I don't see it as a problem. It's a matter of choice for families. The services are available even in Pinas, so it's up to the family whether they want a nurse caring for their elderly. Pwede rin naman hindi ilagay sa aged care pag nasa Australia eh, nasa sa inyo yan.
<blockquote rel="lester_lugtu">9. At kahit mainit man ang panahon buong taon, mausok at mataas ang pollution, pagdating ng gabi sama sama pa din kau magpapahinga ng pamilya mo sa iisang bahay at ang kinabukasan ay 1 na namang challenge na kayang kaya.</blockquote>
Same as #5, not a problem if you are with family in Australia. On the other hand, dahil nabanggit mo ang init at polusyon, minus points yan sa Pinas.
<blockquote rel="lester_lugtu">10. At wala pa din tatalo sa isaw, sisig, adobo, proven kapag kinain mo sya sa pinas. Bakit? Dhl sa vetsin.
π</blockquote>
Not sure how vetsin in food is meant to be a plus point... I would thin otherwise. Kapag naman na-miss mo ang Pinoy food, pwede ka naman magluto. Healthier pa because you know exactly what goes in your meal.