After working in SG for 6yrs, I'm back in PH always thinking of the future. My question was not really "bakit AU"? But more of "bakit ako aalis ng Pinas?" considering I'm earning more than what I was earning sa SG. Honestly, I still have worries and hesitations kung "ano ba talaga ate?!" but I'm pretty sure kelangan kong magtry kesa magdusa sa "what ifs?" Hahahah I haven't invested much on properties sa Pinas dahil hindi ko pa mabuo buo yung picture na dito ko palalakihin ang anak ko.
I don't mind kung saang first world country ako dadalhin ng tadhana, basta safe and somehow secured ang future namin anak ko (cempre malaking factor jan yung pagpupursigi ko), and stable ang govt and economy for whatever crisis ang dumating. Case in point, Covid.
Same with @barryco , my options were Canada, Australia, and NZ with preference sa ANZ dahil relatively mas malapit sa Pinas just in case my urgent matters esp with my old folks. I also tried googling other countries with great benefits and educ system like Finland, Denmark, Norway, pero hirap makapasok. Hirap rin ako sa Canada point system and apparently pinakamadaling iachieve ang eligibility sa AU (though 491 lang ang pwede sakin).
I made a checklist kung ano ang gusto at ayaw ko sa isang place kung san kami mag start ng new life and AU made it perfectly fitting sa lifestyle and dream ko. Looking at how AU handled the covid situation, mas nagseseal off yung decision ko pursue this plan. Sana lang maging positive tong journey na to. ๐
Yun lang po. Salamat. Bow. ๐