- Sobrang taas ng cost of living. $100/week budget grocery sa woollies or coles. Mahal ang renta, mahal ang sine, mahal kumain sa labas, mahal kuryente doble sa canada, may bayad ang tubig sa canada libre lang (or siguro included na yun sa mga council fees dito sa aus separate).
pag rent kasama na ang tubig pero dipende sa klase ng bahay
- prices of property are ridiculously expensive.
mahal nga pero affordable pa rin
- Madaming lasengo dito. Kahit nga mga meeting sa tanghali or hapon nag-seserve sila ng alak or beer. Well, sa mga mganginginom ok dito.
dipende sa lugar.
- Security is not so much safe - uso mga scams, mga lasengo dito nanggugulo, vandalism pero mas safe compared sa pinas.
dipende sa lugar mas safe pa rin dito kaysa US.
- Hindi maganda ang medicare system, kasi 75% lang ang covered tapos may restrictions pa. Magastos magkasakit. You need to apply for private health insurance tapos limited din ang benefits (hindi ito optional, required ito pag wla kang private health i-tatax ka ng govt.)
kahit may private health may tax ka pa rin ng government. pag public libre wait ka lang ng matagal kapag may operation. kapag sa private ka nag pa check up sa GP. half ang babayaran mo na fee sa doctor half nun babayaran ng government. Ang maganda naman dito may rebate ka makukuha kapag may binayaran ka about sa health mo.
- Mataas ang tax, tapos meron pang bagong carbon tax na i-implement starting next financial year, lalo pang tataas ang cost of living.
well kahit mataaas affordable pa rin. lalo na kapag pareho kayo ng asawa mo nag wowork
- Mabagal ang internet, sa canada nakaka 8megabytes/second ako dito 2 megabytes na lang. Well, it better pa rin compare sa pinas.
okay naman ang internet dito dipende kasi sa lugar yan eh.
- Hindi magandang magswimming sa beach, maraming pating at jellyfish.
malaki ang Australia madaming beach dito. may place na dun ka lang maliligo.
9.Right hand drive, left side of the road.
okay naman kahit right hand.