Ako din, daming nagbago sa plans ko along the way for the past 3 years wahahahaha!
Early 2011 wala ako ka plano plano mag migrate since happy naman dito sa SG. Nandito na din nman ang lahat eh, bakit aalis pa if you know what i mean.😃 Yan ang feeling ng mga ilan taon plang sa Singapore, lalo na if you have good job here and earning decent salary.
Ang hobby ko lang naman dito dati is mag dota araw2, mag nights out sa Tanjong Pagar at kung saan2 pa kasama mga housemates ko, Bili ng gadgets/damit/luho, laro ng basketball kaliwa't kanan, at magbasa ng Skyscrapper forum to check anong latest na property tinatayo sa Pinas. Balak ko lang nun talaga, ipon2 tapos bili siguro another property then uwi na ng pinas, ganun ka simple.
Then mid 2011, apply SG PR..then after few months boom second rejections (1st rejection ko early 2010). Tapos may dumating kaming bagong boss na sobrang mainitin ang ulo at kinailangan ko lumipat ng trabaho di ko kinaya ung stress. Tapos kung ano2 pang problema along the way.
Early 2012, ayun nabuntis ang misis ko. Tapos nagstart maghigpit sa Singapore, nag start na ako makaramdam na parang nasasakal na ako sa Singapore. Sabi ko sa sarili ko na di ko na afford na umuwi ng pinas kasi may binabayaran pa kmi, magkaka baby na, plus madami umaasa pa sa akin. Pero need na talaga ng exit plan ASAP. Buong 2012, Inasikaso ko muna ung panganganak ng asawa ko at the same time improving my credentials by getting different certifications related to my career and focusing on long term plans. Binawasan ko na yung mga walang kabuluhang bagay, iwas Dota na muna, etc. At the back of my mind, by 2013 i will start my journey to migration. Nagstart na ako magbasa ng mga ibat ibang forums New Zealand, Canada, Australia, etc.
Jan 2013, got a job offer in Ottawa Canada via Jobbank.ca (formalised in Feb nung nagmeet kami ng employer sa KL) at same time my application sa isang malaking not-for profit org sa Mexico is doing great. Ilang series of interviews nalagpasan ko at nakasama na ako sa final interview. An excellent opportunity to travel around the world and getting salary of twice my gross in SG tax free with free accommodations, car, driver,etc. During that time i think either one of those opportunity makukuha ko, lalo na yung Canada kasi may signed job offer na visa processing nalang. So dami ko na plans and worries along the way together with my family, my mindset is completely changed na. Its really about time to move out in SG. I've got all my paperworks prepared, IELTS done, everything as early as Feb 2013. I'm already considering Australia na din this time but only my third choice. Joined this forum Oct 2012 and reading threads to get some idea.
But then again, ayun last minute, ung immigration lawyer from ottawa na kinuha ng employer ko told me to go FSW route instead. Getting LMO for accountant in Ontario is really hard, plus yung mga work/employment scandals that time in Canada. Accountant is closed in Canada that time, so no choice. Also gumastos na ako ng CA assessment sa Ontario and 2 major exams nalang sana CA na ako dun sa Canada. The Mexico opportunity also didnt materialised We are only 3 remaining candidates and i didn't make it. Competition is really that tough. I just cant believed what happened and was so disappointed. So wala pala talagang kasiguraduhan sa buhay, kung hindi talaga para sayo.
Passed application in Vetassess May 2013, all the while kasi ready na documents ko na gagamitin ko sana sa Canada. As application processing is 3 months, ayun inabutan na ako ng increase, as in major increase. From Aud3,060 lang sana before June 2013 to AUD6,160 last Dec. Due to indecisions and maybe bad luck. I told myself, i should have start my Australia migration process as early as Jan 2013 then ok na sana. But no choice, take it or leave it. And i chose to go for it.
Now, still waiting for CO. last year plan ko is to move first quarter netong 2014, supposedly next month. But walang kasiguraduhan pa rin, coz either i may get a Direct Grant anytime from now, or can be drag for few months if my medical is referred. But all in all, sabi nga, go on with the flow muna. Cross the bridge when you get there. I have really learned the word "patience" last year. Kaya best is wait and see. And ipon mabuti bago sumabak sa Australia.