<blockquote rel="clickbuddy2009">@vhoythoy, madami bro, mararamdaman mo yan pagdating mo dito.
Namimiss ko sa Singapore ang mga sumusunod:
Transportation – Namimiss ko ung paglabas ng bahay, andyan na kaagad ang readily available taxis, buses and trains.
You can stay out late night without worrying about your transport or safety.
SALE! SALE! SALE!
SAFETY – may mga cases dito ng violent crimes and burglary na wala or bihira mong maririnig sa SG. Sa SG di ka takot sa mga tao kung meron mang mangharass kasi feeling mo kaya mo sila..hahaha…
FOODS
Shopping Malls and cinemas
Large number of Filipinos.. hahaha…
Unlimited internet connection anywhere you go (Well, di pa kasi ako nakapostpaid plan dito sa Perth at yung free accommodation namin ay 10gb lang ang internet every month so di makapagbukas ng mga videos)
Good weather in SG & PH kahit minsan medyo mainit, pero maappreciate nyo ang init kapag maranasan na ang taglamig dito. - <i>"Oh, I don't know why, but I've always loved the idea of summer, and sun, and all things hot."</i> - Olaf
Low prices in SG, and even lower prices in PH (except house rental and cars in SG)
</blockquote>
Hmmm, currently eto ang buhay ko sa SG.
1) Around 5-10 mins walk sa condo nmin to Yewtee MRT and vice versa. Around 8-10 mins walk from Tanjong Pagar MRT to Office. Kapag lumagpas ung MRT, tapos ang susunod na mrt is 4-5 mins pa eh medyo maasar kana hahaha lalo na kapag uwian. Sa sobrang convenience at fast pace ng buhay siguro medyo nakakalimutan na ung simple things/ convenience.
2) Yup, sobrang bihira talaga mga loko at mga pasaway dito. Madalas din ako naabutan ng hatinggabi dati. Ang konting hassle lang eh dapat kana mag Taxi, pero ganun talaga kahit saan.
3) Kaya lately di na ako nagpupunta madalas sa Funan area/ Vivo City/ Jurong Point/ Sim Lim. Iwas kaskas sa card dami kasi mabibili, tempting.
4) Yup, kahit may mga masusungit at iritableng tao sa mga pampublikong lugar/ mrt/ buses dito pero hanggang sigawan lang sila. Di sanay sa suntukan or gulo di tulad sa pinas or ibang lugar siguro hehe.
5) Madami nga choices at affordable
6) Favorite hangout ko for movies and malling is Vivo city at Shaw sa may Orchard. Pero ung Lot1 malapit lang sa amin isang mrt station lang pwede na pagtyagaan kung tinatamad lumayo.
7) Daming pinoy kaliwat kanan. Dun lang sa may Condo na rent namin, pinoy ung nsa katabing unit. Pero sa sobrang normal na cguro ng mga pinoy eh hindi na nagbabatian kahit magkasabay sa elevator hehehe
8) 24 hours internet connections. 3g sa iphone tapos sa haus nmin starhub fiber optic 100mbps. Parang 40sgd/ month lang yata dahil promo tapos 7 pa kami maghahati hati hahaha. Sarap pang dota.
9) Eversince from pinas to SG laki sa tropical climate at init. Lets see ano magiging reactions namin sa lamig. We will make an initial entry sa July 27 sa Melbourne sakto winter.
10) Tama
For 5 years ko, di ko pa naranasan maging tourist dito sa SG. Maybe, before mag big move eh ienjoy ko tlaga ung places na to.