@xteen091, meron kami agent. Recommended ng officemate ni misis. Standard 2% po kasi ang agents commission from selling the HDB flat. Seller ang magbabayad nun. Dito sa agent namin ay 1.5% commission kasi napakiusapan naman ng kaibigan nya. Full marketing ang ginawa nila. Everyday meron nagview and offer. Di ka din nila pipilitin na kunin mo agad yung offer kasi meron sila idea kung ano ang valuation ng house mo at its current state. Decision nyo na yun kung accept nyo. Ngayon kasi yung buyer na ang magrequest ng valuation sa HDB upon giving you an offer tapos kinuha mo yun. Di mo malalaman ang valuation as a seller like before.
As a seller, agents fee/commision and lawyer fees lang ang binayaran namin. Make sure din pala kung nakaloan ang bahay nyo ay dapat tapos na yung loan term break period kasi may penalty yun sa bank.
@ccanda77, good luck po sa benta ng bahay nyo. Kailangan talaga may baon sa AU. Malaki ang house loan interest nila doon kapag bibili ng bahay. Lagpas 4% kaya maganda na malaki madownpayment agad para di sayang ang pera na pupunta lang sa interest.