@wallflower11 said:
@engineer20 said:
@wallflower11 said:
from 12-17 months last month to 12-18 months processing time for visa 190. Gawin na lang nilang 100 months para tapos na sobrang unfair na nito.
Sadly, due to the pandemic kaya biglang nagbago priorities at turn around time ng visa processing. Mukhang ni-reallocate nila mga case officer to process onshore visa at citizenship applications kasi yung dating inaabot ng taon bago magkaroon ng schedule ng citizenship test ay nagiging 2-3 months na lang.
For those wating for visa grants, ipon na lang muna pambaon ng pera dito, learn how to drive kung di pa marunong at add/upgrade your skills para mas maraming opportunities na makuha once big move na.
Yes, I get that, pero parang too much na ang 18 months. Convenient gawing excuse ang pandemic pero hindi din naman ganun kadami ang grants for the last FY. Ang bullshit lang ng processing times, tanggalin na lang nila. Not to mention malaking money na ang nakuha nila, may right din ang applicants na makuha ang return sa investment nila.
Alam ko frustrated ka dahil matagal ka ng naghihintay sa visa outcome mo at di ka nagiisa sa ganyang sitwasyon. Pero hindi lang naman PR visa ang inaayos ng mga CO kaya akala mo wala na silang ginagawa. Kung makikita mo lang kung ilang libo ang backlogs nila sa ibang klase ng visa at citizenship applications maiintindihan mo na kung anong workload meron ang immigration.
About sa perang ibinayad sa application mo sa visa, wag kang magalala kasi mababawi mo naman lahat ng iyon ng ilang doble pa pag nandito ka na in terms of benefits para sa iyo at ng iyong pamilya.
Napansin ko din na may 489 visa ka, bakit di ka lumipad bago sinara ng AU ang borders fron non-PR/citizen?