By the way mga sir, yung passports namin ay expiring in Sep/Oct 2014. May nabasa ako na ideally dapat atleast 2 years ang validity ng passport para sa visa grant. Pero may nabasa din ako na hindi naman na nagta tatak sa passport, so hindi ako sure kung relevant pa yung "atleast 2 years validity" ng passport.
I Share ko din pala sa mga nag hahanap ng lawyer dito sa SG na magse certify true copy at mag witness ng Statutoty Declaration:
Lawyer: Joann Ting LLC
contact number:6836 5459
Office Address:435 Orchard Road, #15-01 Wisma Atria 238877
Charges: $5 per document and $1 on succeeding pages. Ang Stat Declaration, $40
Siya ang pinuntahan ko para sa documents ko for Vetassess kasi sa dami ng tinawagan at pinag inquire-an ko (di ko pa kasi na-discover itong forum), office niya lang ang palaging sigurading may sumasagot. Eh napaka importante na contactable sila in case may verification ang assessing body. Dito din ako magpapa certify ulit in case na makalusot kami para documents para sa Visa.