It seems mahirap maghanap ng child care anywhere in Aus. Here in Qld, we were also looking for a child care for our 4 year old son, we were on the waiting list and one child care centre called us after more than 1 year at tinatanong kami kung interested pa kami. When they called, my wife was already a registered carer dahil nga wala kaming mapag iwanan ng bunso namin. Medyo marami silang requirements at matagal ang processing before she became a registered Carer under the Family Day Care scheme.
Maganda nito, my wife doesn't need to dress up and go to office everyday to work, hintay lang sya sa bahay dumating yung mga kids na aalagaan nya. It was like her own business, kumikita sya at kung ayaw nya dun sa bata or may issue sya with the parents, pwede nya i-release yung alaga nya and get a replacement. Hindi mahirap dito, dahil nga kulang ang mga carer at mas marami ang mga bata. So kung you are the mother/father of the child in care, dapat maging mabait ka sa carer at on time ka magbayad. If not, madaling i-release ang anak mo at problema mo na naman maghanap ng carer para sa kanya.
Another advantage, may kalaro pa yung anak namin. Nag-eenjoy naman si wifee kasi meron din silang training/development activities para sa mga carer at maganda rin naman ang kita. Imagine, sa bahay lang sya and yet kumikita sya, may kalaro ang anak namin, nakakapagluto pa sya at nagagawa nya ang gusto nya gawin at naaasikaso pa nya yung eldest son namin after school.