Hi po, binasa ko buong thread and somewhat nagka idea ako sa pagprocess ng visa lodgement while being pregnant. Though medyo naguguluhan pa din ako, please confirm po if tama ang pagkaintindi ko and baka pwedeng masagot na din po yung ibang follow up questions ko..
1. If nakareceive ng ITA and CURRENTLY pregnant, yung other dependents like husband and other kids pwede na magproceed sa medicals. Yung mother, wait pa muna to give birth para sabay sila ng medicals ni baby. Pag ganito po ba, wala bang magiging issue sa date ng supposed to be IED ng buong family? Kasi may nabasa ako na dapat valid pa yung medicals within sa IED, paano kung mga around 3-4 months palang preggy yung mommy nung nagka ITA and nagpamedical yung other dependents, so ibig sabihin need pa maghintay ng around 6-7 months para sa medical ng mommy and baby so baka by the time na magrant yung visa is nakalipas na ang 12 months from the date na nagpamedical yung ibang dependents.
2. Change of circumstance - Need na po ba agad to ifill out kung pregnant na ang mother nung nagka ITA? Or upon giving birth pa ito ififill out?
3. Paano po malalaman ng CO during ITA na pregnant yung mother kaya need idefer ng medical? Need mo ba iexpressly state yun during visa lodgement pati kung kelan ang expected delivery date mo? Automatic ba silang mag uupdate sayo after due date mo or ikaw ang magrereach out sa kanila?
Thank you po in advance sa mga magrerespond 🙂