@lexanaes no worries; i'm happy to help and sana masagot ko ung questions mo. 🙂
<blockquote class="Quote">1. kelan ung Initial Entry date niyo? I've read kasi na nagbabase siya kung kelan na clear ung medicals? Since kayo po iba2 ung date kung kelan na clear ung medicals nyo. </blockquote>
To be honest hindi ko po alam kung san nila ibinase yung initial entry date namin. Feb 2018 po IED namin pero Feb 2017 po both ung NBI namin tsaka medicals e (except kay wife and baby).
<blockquote class="Quote">2.1year po ba validity ng medical? tama po ba na kapag naginitial entry ka , dapat valid pa ung mga medicals?</blockquote>
Again sorry po hindi ko po alam ung validity ng medical. Yung results po kasi sine-send nila directly sa DIBP e kaya di ko na natingnan. Pero personally wala po akong nabasa about sa 1 year validity ng medicals.
<blockquote class="Quote">3.nung nagpasa kayo ng change in circumstances, nilagay niyo lang po yung baby under don sa #13 sa form 1022 (Do you have a partner (spouse or de facto partner) and/or any
dependants who are/were included in your application?) or nilagay niyo din po sa details of changes? then upload nalang passport and birth certificate ni baby?</blockquote>
Hindi ko po sure kung ganun pa din ngayon pero hindi po kami nag-submit ng Form 1022 na PDF. Doon po sa immiAccount merong online form na pwede ka mag-notify ng changes. Doon nilagay ko lang po na gusto ko ipa-add si baby and in process pa yung birth certificate and passport (Full Name and Birthday lang po prinovide ko). Then nung in-email ako ng CO, in-add niya na din si baby sa application ko sa immiAccount. Doon na din po ako nag-upload ng birth cert and passport nya nung nakuha ko na.
<blockquote class="Quote">4. sa birth certificate ni baby, diba hindi po agad makukuha yung NSO/PSA copy nung birth cert. Pwede na po ba yung galing sa hospital? Or need pa pong ipa-authenticate sa PSA yung birth certificate? </blockquote> Opo pwede na po yung galing sa hospital basta authenticated ng PSA. Ganun po sinubmit namin. Yun din po yung requirement ng DFA para magamit sa pagkuha ng passport ni baby.