@jigs88 bro IMO, sa health declarations pa lang kelangan mo na i-declare lahat ng dependents na isasama mo sa application mo. Iwas na rin sa complication.
Pwede mo naman sila i-sunod sa application before ka ma-grant. Take note na hindi ka na pwedeng mag dagdag pa ng additional dependant applicants once granted na ang visa mo.
For me, hindi advisable yang gagawin mo because it doesn't make any sense. Kahit mauna ka mag clear, hindi pa rin uusad ang application mo kasi yung mga dependents mo hindi pa cleared sa medical. Gagawin mo pang komplikado yung application mo kasi mauuna kang mag apply tapos mag eemail ka pa sa CO na mag dadagdag ka ng applicants. In my experience, sabay naman kami nag clear ng wife ko.
Payo lang brad, wag mo na gawing komplikado yung buhay mo. Sa simula pa lang, i-declare mo na lahat ang dapat mong i-declare.. isama mo na lahat ng gusto mong isama sa application mo. Bottom line is, hindi ka magkaka-grant unless mag clear kayong lahat..
Sa requirements naman for medical, i-print mo lang yung referral letter after mo i-submit yung health declaration.