<blockquote class="Quote" rel="gemini">thanks @pink and @jillpot! Another question, I have asked this before, but as a follow up lang. Kasi sa EOI di ba ang dinedeclare lang dun is relevant employment history, meaning yung related sa nominated skill. Sa pag lodge ng documents, may question ba dun about employment other than nominated skill? If ever may iba akong work experience not related with nominated skill, hindi ba ittreat yun as discrepancy from my EOI input?</blockquote>
Yan din ang naging problem ko kaya di ako makafrontload ng Form 80. Buti na lang nandyan ang ating very supportive batchmates!
Sa EOI ko kasi di ko dineclare yung 1st employment ko kahit pa related naman din yung first few months kong work don sa 2nd employment ko. Yung 2nd employment ko lang yung dineclare ko kasi yun lang yung kumpleto kong documents. Mahirap kasi hingian ng further documents yung 1st employer ko. Nung naglodge ako sa immi, di ko pa rin dineclare yon.
Namroblema ako ng todo nung nag CO contact at hinanapan ako Form 80 kasi kailangan ideclare lahat. 2 years of employment din yon kaya mahirap lusutan.
Gumawa na lang din ako ng Form 1023 for notification of incorrect answers sa paglodge ko sa immi and tinodo explain ko lang sa Part T ng Form 80 yung employment details. Defensive ba. haha!
Sinabi ko lang na first few months lang ang related sa nilodge ko sa EOI and di ko sinama to claim points yon kasi di ko maprovide yung documents na nirerequire, wala na ako contact sa manager ko noon, and to avoid confusion lang din kasi baka mag-automatic magcount ng points sa immi para don sa di ko naman claim na points for EOI.