<blockquote class="Quote" rel="vhenzchico">Hello po! Ask ko lang po kung ok pa yung technique na mag-overpayment sa CC π. Kulang kasi credit limit namin for our visa lodge. My hubby asked the branch manager (BPI) and sabi di raw pwede ang ganun π Pero andami ko nabasa dito na nag-overpayment ng BPI CC.
Need pa ba talaga i-inform ang bank once mag-overpayment ka? Sana po may makapag-confirm na ok lang mag-overpayment sa BPI the proceed immediately w/ the transaction.
Btw, baka po may makasagot din how much approximately ang babayaran pag family of 3 kami. And same lang po ba surcharge ng CC at EON debit card?
Thanks po sa sasagot. π
</blockquote>
sa amin po EON ang gamit. nag request kami na taasan yung maximum allowed limit para sa withdrawal/online transaction/payment ng visa to 250K. sabi pa nga nung girl sa Unionbank di daw mag work un. kasi ang limit lang daw tlaga kaya is 100K. pero sa ibang branch nila sabi pwede naman daw as long as may ganun kalaking laman pera ang account.
198K ang estimate sa DIBP. nag prepare kami ng 220K.
ito yung nabayad namin good for 2.
Visa Payment (11-22-2016) 206,567.48
Visa deductions (11-25-2016) 2,568.09
bank charges na ata yung 2568.09 na late nadeduct sa account. buti na lang may laman pa ung account namin. magsend naman sila ng confirmation na nakapasok na payment. if i still remember. tapos nag post naman agad sa EON na nadeduct for visa payment.