I was surprised nung nabasa ko na namahalan ang iba rito sa Au$35 per month na TFC subscrpition. Hindi naman sa nagyayabang, pero namurahan kami ng wife ko nung nagpakabit kami ng TFC sa $35.99 per month na billing. Siguro kasi hindi kami nagco-convert into Peso. Ugali kasi natin lalo na yung mga bagong dating sa Au e i-convert ang presyo from Au$ to PhPeso. Natural magiging mahal yung bibilhin nyo.
Dun sa mga ayaw magpakabit ng TFC, tama si tita_vech, you can watch Bandila sa SBS2 @ 8:05 AM, pagkatapos ng Italian news. O kaya sa internet na lang manuod 🙂