@Pogingnoypi
I've been driving in PH for more than 10 years na din.
Tinuruan ako ng mga kapatid ko while I was in Sydney about road rules. Gaya nga ng sabi ni totoyOz kailangan mag give way kapag may tatawid sa pedestrian lane unlike sa Pinas tao ang mag give way muntik ako magkamali ng isang beses dyan.
Mas madali kung automatic muna lalo na RHD dito. Nag drive ako ng manual once nung binigyan ako ng temp car ng Honda since kailangan kong iwan yung car ko, medyo nakakapanibago namatay isang beses yung engine haha.
Laging kanan ang una mong titingnan kapag may mga intersection and roundabout. Give way ka lagi kapag may sasakyan sa kanan.
Strict din sila dito sa speed usually 60kph ang standard, minsan 50kph. Mahal kapag nasita ka ng overspeeding. Dito sa SA sabi nila it's a $300 fine pero sa office namin if mahuli ka ng speeding using company car doble ang fine, that's $600 from your pocket.
I suggest magpaturo ka muna kahit 2 days lang mahirap na magkamali sa kalsada.