Noon maraming contractors na nag set-up nang company kasi malaki ang difference sa tax rate between individual and company, tapos marami silang sinasama sa deductions. Kung accounting ang linya nyo and/or may tyaga sa record keeping may advantage sa pov ko. Baka kasi dumating ang point maasar ka din sa pag-gawa nang BAS (business activity statement) may penalty yan pag late.
Ang unemployed partner ok gawin director, but I doubt if pwede mo I claim as 'paid' employee. Yung ganun instance kasi dapat parehong my pinapasok na income sa company.
Maraming IT consultants na nag set-up nang company at ok naman yon.
On the other hand, teammate ko na-audit nang ATO. Sa tingin naman namin tama set-up nya kasi kasama nya bff sa company, 2 silang may income. Pero advice nung accountant i-settle nlang kasi mahal ang solicitor, so nag bayad sya 100K+ kasi ilang years yung hinabol nang ATO.
So hindi to dodgy, pero pag-aralan nyo lang mabuti and consult a really good accountant. I'm sure maraming naman pinoy na may positive experience sa pag set-up nang company.