Hindi lahat ng umiiwas sa mga Pinoy mapagmataas. Marami din kasi talaga naka experience ng negative sa mga kapwa pinoy kaya medyo cautious silang makisalamuha.
Nung unang salta ko dito, pakiramdam ko super matulungin at welcoming mga Filipino communities. Kung saan saang religious activities at parties ako iniintroduce. Pagkatagalan na-realize ko na madami sa kanila nagpa plastikan lang sa isa't isa, nag-aawayan, nagki-criticize, nag-iinggitan, naghihilahan pababa, nagti-tsismisan etc etc. lalo na mga babaeng Pinay andaming drama sa buhay. Sa dami ng naka-mingle ko dito na mga kalahi natin, masasabi ko na common occurence talaga yung mga nabanggit ko.
Ngayon mas tahimik na buhay ko at masaya dahil kasama ko na din yung asawa ko from Pinas. Hindi ko naman iniignore mga Pinoy totally, nakikipag-usap pa din naman ako, naghi-hello, pero piling pili lang talaga yung kinu-close ko and I don't attend random social Pinoy gatherings. I only go to events with my Pinoy friends or mga kakilala din lang nila.
I still believe na madami pa din matitinong Pinoy. It just happens na majority ng nami-meet ko madaming issues. For some reason, mas nagiging ka vibes ko yung mga nagsimula as international students dito, o kaya yung mga nag-migrate as skilled.