<blockquote class="Quote" rel="pinoycoder">@princestar11 and anytime naman pwede ka bumalik sa sg</blockquote>
<blockquote class="Quote" rel="Luntian12">@princestar11 Para sa akin, if magkaka457 na, ok din sa Sydney. Habang andun ka naman sa Australia nagwowork, may opportunity kang mag-apply for 190 which will make you a PR, much better ang benefits. When you become a PR, you're eligible din to be a citizen after 4 years, and you'll be holding an Australian passport. You mentioned mahilig ka magtravel, you'll be able to travel visa free to more countries rather than holding a PH passport na from time to time kailangan mo pa mag-apply ng visa.
Since you're still single, better start early to settle in a place where it is more stable lalo na kung may plans ka to build a family of your own. To be honest, ok lang din ako dito sa Singapore nung una, kaya lang nung nagka-anak na kami ng husband ko, dun namin talaga naramdaman yung struggle dahil hindi kami PR dito. Wala kaming kahit anong subsidy, hindi maapprove Dependant Pass ng baby namin, laging at risk kung mageexit-exit para lang mapagstay ang baby namin dito at yung mag-aalaga. Yung iba kong friends nahihirapan na din maghanap ng school para sa mga anak nila dahil hindi priority kahit PR. Andiyan pa yung fear kapag magrerenew na ng pass, dahil hindi ibig sabihing matagal ka na dito, irerenew ka pa nila ulit. Anytime, pwede ka nalang mapauwi. Kung gusto mo maiwasan yung mga ganito, you might want to consider moving to Australia earlier.
Para sakin, If there's any advantage of working in Singapore yun ay super lapit lang sa Pinas. If there's any emergency, mabilis makauwi. Maganda din ang safety dito.
Pero this is just my point of view. Siyempre it will depend pa rin sayo kung ano sa tingin mong best sayo.
Goodluck sa decision-making. Pray lang and He will lead you to the right and better path.
</blockquote>
Thank you po sa advise. This is very helpful. Naisip ko rin po yang sinabi niyo na pang longterm talaga ang Australia. Dasal na lang talaga.