Hi everyone. Just sharing some of our experiences. Nag-initial entry na po kami dito sa Sydney to test the waters.
IMMIG/CUSTOMS
Wala nmang hassle sa airport. May visa label ang passports namin (di kami galing pinas) at hindi naman hinanap yung visa grant letter. Di ko nga nakitang tiningnan ng officer yung visa. Nakita ko lang na ni-swipe nya yung passports tapos siguro na-relate na rin ng system yung passport numbers sa PR visa. No question. Nagjoke joke lang. Wala ring aberya sa customs. Since may dala kaming canned goods (corned beef, sisig, meatloaf), peanuts and noodles, nag-tick lang kami sa dalwang checkboxes ng form pertaining to "canned meat" and "nuts" items. Nag-confirm lang yung mokong kung may fresh fruits and raw/cooked meat, sabi ko canned meat lang. Nagtanong din kung may dala kaming polvoron, sabi ko wala (alam nyang pinoy kami π). Bawal ata ang pagkain na may milk or egg na hindi thoroughly cooked/processed. Di na nya binuksan ang bags. BTW, before we left home, nilista namin in detail yung foodstuff and toiletries na dala namin. Wala nman akong nabasa na kelangang gawin to; just in case lang...
ACCOMMODATION
We're staying in a backpacker Strattons Hostel. Mura lang kaya di rin maganda. The other day may mga maiingay na housemates na umiinom sa hallway. Pwede na rin for a temporary stay. Dapat lang open ka makipag-share ng kwarto at kubeta sa ibat-ibang tao. It's in downtown kaya naglalakad lang kami. It's our third day today at di pa naman namin kinailangang sumakay ng bus or train. Madami din Asian restaurants/carinderia sa paligid kaya tuloy ang ligaya (ligaya=kanin). Kelangan ng kanin sa mga lakaran π)
FREE INTERNET
Since walang wifi sa hostel, tumatambay kami sa NSW state library para mag-internet at mag-apply apply. Bring your own laptop or pwedeng makigamit ng available computers (mabagal nga lang). You don't need to be a member para makigamit ng wifi. Pero kelangang member ka to use the computers kasi ie-enter mo yung member ID. I suggest na magregister kayo online or dito mismo; libre lang nman. 24 minutes per session sa public computers at kelangan mo mag-renew ng session every time -- kakaasar lalo na pag nag-aaply (isang laptop lng dala nmin). Pero mas ok na yun kesa magkape/kumain sa cafes para lang may free wifi.
MEDICARE
Nung Monday nagregister kami sa Medicare. It's located at 135 King St (inside the Glasshouse Mall). Nag-fillup na kami ng downloaded forms separately before kami pumunta. Ni-recommend sa min na under the same medicare account na lang kami ng wife ko. Same medicare number tapos parehong nasa card ang names namin. Two weeks ata ang hintay sa actual card. Binigyan lang muna kami ng temporary slip na nandun ang card details. Tapos binigay din yung info para ma-setup namin yung online account for medicare.
BANK ACCT
Di pa kami nag-open ng bank account kasi di pa naman sure na long-term ang stay namin ngayon. Dumaan lang kami sa nab para mag-inquire. Suggestion sa min, mag-open muna ng Everyday current account (no minimum/monthly charges) and online iSaver savings account (no minimum/monthly charges for online transactions). Di na kami pumunta sa ibang banks kasi sa tingin ko almost the same lang ang products nila. Later na nmin aalamin kung sino ang mapalad na pagdedeposituhan ng kaperahan namin.
SIM CARD
Bumili kami ng sim sa Woolworths para may mailagay na na local number sa resumes: http://www.woolworthsmobile.com.au/woolworths-prepaid-cap
Overall nagustuhan namin ang Sydney. Parang US city lang naman pala down under. May areas na parang Boston or DC, may streets na parang Chicago, at meron ding parang San Francisco. Chilly weather lang nman kaya kayang kaya. Tsaka ang dami palang East Asians dito. Mukhang mga estudyante sila. Kokonti pa lang ang na-identify naming Pinoys -- yung mga nakasabay naming nagpapiktyur piktyur sa liwasan at yung nakasabay naming bumili ng saging sa Woolworths π)
Can't wait to finally settle here...