another experience to share...
nangyari samen ng tropa ko kagabi...
nagpunta kami ng Mall para bumili ng gamit sa camping.
May parang retreat or something sa Church nila(Protestant) and I was invited.
No problem with me, as long as we're friends, religion does not matter π
Wala rin ako magawa sa bahay.
So pagpunta namin ng mall, may magandang chik na namimigay ng leaflet dun.
Napansin siguro ng chik na nakatingin ako kaya binigyan nya ako ng leaflet.
(hindi ko napansin na pampaganda pala yung leaflet, parang presyo kung gusto mo magpastraight, rebond etc.. basta girls stuff, ewan ko bakit ako binigyan nun, tinitingnan ko lang naman sya hehehe)
Sabi ko sa tropa ko, pre kilalanin natin yun, ang ganda(blonde, blue eyes) bagay kayo. (single pa kasi sya)
Sabi nya pagbalik na lang namin mamili. (torpe hehehe)
Since camping yun, bumili ako ng unan at kung anong anik anik na kelangan sa camping.
Nung magbabayad nako, may tinanong saken yung cashier... hindi ko naintindihan, kala ko tinatanong nya kung may 20cents ako.
sabi ko wala.
So nagtataka ako bakit nde nya nilalagay sa plastic yung pinamili ko na unan etc...
Yun pala, ang tinatanong nya kung gusto ko magdagdag ng 20cents para ilagay nya sa plastic.
May bayad pala ang plastic sa kanila.
E nahiya nako, hindi ko na pinaplastic..
Edi nung lalabas na kami, ang laki ng dala kong unan at ibang gamit
Nung nadaanan namin ulit yung chik, sabi ng tropa ko, ano pre kilalanin pa natin?
Sabi ko wag na, may dala akong unan, baka kung ano isipin nun pag kinilala natin hahahah...
Ayun sayang, hindi nami nakilala si blonde, blue eyes beautiful girl π
sorry kung corny pero natatawa pa rin ako hangang ngayon sa experience kong may dalang unan na gumagala sa loob ng mall π