<blockquote class="Quote" rel="maren1026"><blockquote class="Quote" rel="maren1026">@towbee Naku hindi pa din un sa daughter ko π Kahapon nag-check ako ng status nya sa My Health Declaration, ang nakalagay "Examinations assessed but further information required" so I checked sa e-medical and andun sa information sheet na nakalagay "607 Continued anti-tuberculosis treatment". Hindi ko tuloy alam kung ibig sabihin ba nun e papatapusin pa muna un medication nya before cya bigyan ng clearance, e June 2017 pa un tapos nun. π Nagbasa kasi ko sa previous threads, un mga may cases na undergoing PTB medication, pinatapos pa talaga muna then saka pa lang nabigyan ng clearance. π
Based din sa mga previous threads, un nagkaroon ng mga ganitong status daw, after one day e may email na narereceive from Bupa kung ano un further test na gagawin pero ako wala naman ako nakuhang email pa. When I checked the status kanina sa My Health, naka- "Examination in progress" na uli. Gulong-gulo nako so baka tawagan ko na lang uli sa clinic mamaya to check kung ano pa ang needed.
If hindi pa tlga ma-clear until matapos un medication nya then most likely i-lodge ko na din today kasi hindi ko mahihintay un June dahil ma-eexpire nman un invitation ko. Sa mga nababasa ko naman dito sa forum, wala naman daw nadedeny pag ganun, nadedelay lang talaga. Pero hoping pa din baka sakali bigyan na din ng grant then mag Health Undertaking na lang, bahala na, dasal na lang muna sa ngaun. Hope anyone who has the same experience here can also share what happened to them. π
Un sa inyo, try mo tawagan uli, minsan hindi nila finoforward agad kung di pa i-followup e, un samin nun husband ko after 3 working days cleared na agad sa My Health. Un sa daughter ko tnawagan ko lang on the 6th day tapos ayun saka pa lang sinabi na iforward na nila tapos ganito pa nga kaya lalo na tumagal. Malapit na din yan π
</blockquote>
Update: Nag-email na sakin un BUPA Medical Services, naka-defer un health assessment nun daughter ko, need daw muna nya tapusin un medication (until June 2017) then after nun, undergo uli ng x-ray then pag cleared na saka pa lang mag-clear un medical nya. π
Question naman po, since mag-eexpire un invitation ko ng March 3, ok lang kaya na i-lodge ko na un visa application namin kahit hindi pa cleared un medical ng daughter ko? May case kaya na idedeny nila or hindi lang mabibigyan ng DG since may pending medical pa? Another option na naiisip namin is wag muna cya isama sa application kaso baka mas mahirap pa un process later on. Please help enlighten po. Maraming salamat!</blockquote>
Better po na ilodge nyo na ang visa nyo..kesa ma-expire pa...back from the start kayo ulit.
Medyo made-delay lang kasi may medical concern, pero di naman yan made-deny.
Sama nyo na lang po sa application yung bata...kasi mas hassle at mas costly kung bukod pa.