@Noodles12 actually, ganyan din sa asawa ko. Biglang nagdalawang isip. Parang sa akin, pagkatapos natin gastusan ito e di ba. Nag ielts ako, nag pte-a ako twice tapos assessment. Aba e sana nag shopping nalang ako di ba. Pero at the end of the day, kelangan ko i-consider kung ano ang gusto rin nya at ano ang gusto ko. At mag compromise. Kasi baka by March 1 may ita na ako tapos bawat kilos ulit may fee di ba.
Ang gagawin ko, kakausapin ko masinsinan. Oo masinsinan talaga. Haha. Na gusto ko ng option. Actually contented naman kami dito sa pinas. Pero pano kung after say 30 years mawala na kami, pano mga anak namin. Gusto ko lang sila bigyan ng option. Ng fighting chance ba. Na kung gustuhin nila na umalis e magagawa nila. Iba na rin kasi talaga sa pinas. Kahit nga si du30 wala na magawa sa mga adik. Di ba nakakatakot rin. So sasabihin ko sa kanya na gusto ko pa rin mag apply. The pag approved na, mag IED kami then may more or less 4 yrs pa kami to decide if we will let go of the opportunity. Parang iisipin ko nalang magsusungal ako. Pag nag big move kami, nanalo ako. Pag nag stay, talo. Atleast naka apply bago mag change ng rules at tuluyan ng mawala ang opportunity ng hindi ko nasubukan man lang. haba! Hehe