Hello hello! I need help on these things:
Pwede ko bang isama ang brother ko na registered nurse (5 years hospital work experience, 2 years medical call center experience) sa application ko as dependent? If yes, anong mga kailangan nyang gawin? (Ngayon ko nalang ito naisipan kasi kung mas madali ito, sayang naman kesa mag apply sya on his own)
Nag total ako ng flat 60 points dahil sa 5 points na professional year, kahit hindi ako sure kung ilan ang count ng VETASSESS dun dahil hindi ko pa nareceive yung outcome letter. Ang sabi lang sa VETASSESS site is POSITIVE. Kumuha ako ng Points Test Advice.
Ang pinasa ko lang na documents sa VETASSESS na related sa nominated position ko ay yung detailed job description ko with 2 companies. If combined, 35 months yung total experience. So meaning hindi pa pasok sa requirement na 3 years until next month (October) para magka 5 points. PERO sa EOI ko, sinama ko yung 3 months ko na experience as Project Hire with the same position. Kaya ako nagka 5 points.
Dahil atat ako, nagsubmit na ako ng EOI kanina. Pero hindi ko masubmit yung SA SS kasi wala pa yung outcome letter. Nag email ako kahapon and kanina na i-send nila through fax. Wala pa akong nareceive.
Anong bearing kung hindi ko agad masubmit ang SA SS ko?
May effect ba yung pag sama ko sa Project Hire kong work sa EOI ko dahil hindi naman kasama yun sa mga pina-assess ko with VETASSESS? Or pwede bang hindi ko nalang isama yung 3 months na yun dahil pag dating ng October magiging 3 years naman na ang total years ko?
May bago bang rule / ibang paraan to secure whatever VISA I could have given that my daughter is an Australian Citizen / Australian Passport Holder? But she is here with me and she is only 1 year old. Carer visa? Parent visa? Partner visa is not an option. (Mapride hahaha)
Thank you sa mga sasagot ๐