hi @tagabukid, from what I read and heard ang startup risky. Meron akong nakausap na recruiter before na gusto akong i-recommend sa isang startup company in MEL. Ung isang description nya sa company parang ganito: "Even though this is a startup, the company is funded and can offer competitive salaries for successful applicants". Medyo napaisip ako dun sa term nya na "Even though..." kaya parang naisip ko may "something" sa mga startups. Tinanong ko sya during our phone conversation tungkol dun at ang sabi nya may tendency daw na ma-delay ang salary for startups.
I've also read some reviews ng glassdoor.com.au for companies na delayed ang salaries nila dahil daw startup, hindi ko na maalala kung saang company ko nabasa un. Pero disclaimer, not everything is true or completely accurate sa glassdoor, ginagawa ko lang basis un minsan para malaman ko kung anong kelangan kong i-expect sa company at itanong during interviews.
Ako din naging part ng startup-like company, nandito pa din ako sa company na to actually. The reason kaya ko nasabing "startup-like" kasi halos bago lang sila sa business, 2015 sila nagstart, at least from what I read. Ang naging experience ko sa kanila, delayed salaries for almost 2 weeks. Masama pa dito ang salary namin is given monthly, even worse naka-part time work ako sa kanila. More worse, may super ako pero hindi nalalagyan ung super ko. Even more worse, walang bayad ang overtime.
I personally don't recommend startups, but I also want to be part of one. I think if you have huge savings to use as backup income yes i-try mo startup.
I also personally want to create my own startup, gusto kong gumawa ng app na mas-accurate sa PTV at tramTracker. đŸ™‚
Anyways, good luck sa job hunting!